
๐๐๐๐ ๐๐ | BSN, Kampeon sa Generics Awareness Month
Namayagpag ang Kolehiyo ng Pagkalinga ng Sacred Heart College (SHC) sa ginanap na Regional Generics Awareness Month 2026 ng Department of Health (DOH), na may temang โKalusugan ng Bawat Pilipino, Bagong Generics ang Katuwang Moโ matapos masungkit ang kampeonato noong Setyembre 4.
Nagwagi ang pangkat mula sa ikalawang taon ng naturang kolehiyo na binubuo nina Fran Javelosa, Marc Ian Manalo, Jamaine Fel Dalangin, Gia Jireh Mae Patal, Vinz Santos, Michael Aaron Lingon, at Mary Kaylie Arenas sa ilalim ng paggabay nina Gng. Shiela Diaz at Gng. Girlhin U. Villamiel.
Samantala, nasungkit naman ng pangkat mula sa ikaapat na taon ang ikalawang gantimpala, habang ikatlong gantimpala ang naiuwi ng pangkat mula sa ikalawang taon, na kapwa nagmula sa Kolehiyo ng Parmasya ng SHC.
Sumentro ang naturang kompetisyon sa pagpapalaganap ng kaalaman hinggil sa bisa, kahalagahan, at pagiging abot-kaya ng mga generic na gamot para sa mga Pilipino sa pamamagitan ng paglikha ng infomercial.
Layunin din nitong ibahagi ang mga impormasyon sa mga kabataan hinggil sa mga generic na gamot at ipamalas ang kanilang kahusayan sa paggawa ng infomercial upang higit nilang maunawaan ang kahalagahan nito.
โWinning was deeply rewarding after juggling lectures, clinical duties, and production deadlines. But what truly stood out was the reaction of our clinical instructors. When we were announced as champions,โ pahayag ni Fran Javelosa.
Pinangunahan naman ni Gng. Jemimah Laguerta-Triviรฑo ang programang ginanap sa SHC Perboyre Building.
Patuloy na nagsisilbing instrumento ang mga Kordiano mula sa Kolehiyo ng Pagkalinga at Kolehiyo ng Parmasya sa pagpapalaganap ng kaalaman tungkol sa mga gamot at pag-aalaga ng kalusugan.
๐๏ธ | Allyssa Valencia
Source: Pharmaceutical Unit- Region IV-A
https://www.facebook.com/share/v/14oj7vQwNix/
#RegionalGAM2026
#TheHeartPublication
#SacredHeartCollegeofLucenaCityInc
Facebook Post Here